Huling Na-update: Nobyembre 28, 2025
Sino ang Epic Games?
Kumusta! Kami ang Epic Games, at gumagawa kami ng mga kamangha-manghang laro gaya ng Fortnite Battle Royale, LEGO Fortnite Odyssey, Fortnite Festival, Fall Guys, Rocket League, Rocket Racing, at marami pang iba! Gumagawa rin kami ng mga kahanga-hangang tool na tumutulong sa mga tao na makagawa ng sarili nilang mga video game, at pinapatakbo rin namin ang Epic Games Store.
Tungkol saan ang page na ito?
Kapag naglaro ka ng mga video game at bumisita ka sa mga website, may ilang impormasyon tungkol sa iyo na nakokolekta. Tinutukoy ng page na ito kung anong impormasyon ang kinokolekta namin, bakit namin ito kinokolekta, at kung paano namin ito ginagamit para sa mga larong nilalaro mo, mga website na binibisita mo, at anumang iba pang online na serbisyo na ginagamit mo mula sa Epic Games.
Kung gusto mong malaman ang lahat ng detalye, humingi ng tulong sa iyong magulang o tagapag-alaga para basahin ang buong Patakaran sa Pagkapribado ng Epic Games.
Anong impormasyon ang kinokolekta namin?
Nangongolekta kami ng iba’t ibang uri ng impormasyon depende sa mga laro, website, o online na serbisyo na ginagamit mo at kung paano mo ginagamit ang mga ito.
Nakukuha namin ang impormasyon mo kapag ibinabahagi mo ito sa amin, gaya ng kapag ikaw ay:
Awtomatiko naming kinokolekta ang ilang impormasyon mo gamit ang mga espesyal na tool, gaya ng:
Minsan ay nakukuha namin ang iyong impormasyon mula sa ibang mga kompanya, gaya ng PlayStation®, Microsoft Xbox, o Nintendo Switch, kapag nilaro mo ang aming mga laro gamit ang mga gaming console na iyon.
Paano namin ginagamit ang impormasyon mo?
Ginagamit namin ang impormasyon mo para:
Halimbawa: Sa Fortnite, kung wala ka pang 18 taong gulang, laging naka-on ang pag-uulat ng voice. Ibig sabihin, kung gumagamit ka ng chat at may lumabag sa aming mga patakaran (halimbawa, kung may mga nambu-bully o bastos na manlalaro), maaari kang magpadala sa amin ng ulat sa loob ng laro upang ma-review namin ang iyong voice chat at malaman namin kung ano ang nangyari
Kailan namin ibinabahagi ang impormasyon mo?
Maaari naming ibahagi ang impormasyon mo sa:
Anong mga pagpipilian ang mayroon ka tungkol sa impormasyon mo?
Maaari mong hilingin sa amin na:
Maaari ring gawin ng magulang/tagapag-alaga mo ang mga ito para sa iyo (depende sa edad mo).
Upang magpadala sa amin ng kahilingan, sundin ang mga tagubilin sa ibaba ng page na ito o tingnan ang buong Patakaran sa Pagkapribado ng Epic Games sa Seksyon 12 (Paano Ka Maaaring Makipag-ugnayan Sa Amin?) para sa aming impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
Ano ang mga default na setting at pagkontrol ng magulang?
Kung wala ka pang 18 taong gulang, magsisimula ang iyong account sa Epic na may mahihigpit na setting ng pagkapribado. Ibig sabihin:
Ang ilang tampok ay nangangailangan muna ng pahintulot mula sa iyong magulang/tagapag-alaga. Maaaring magtakda ang iyong magulang/tagapag-alaga ng Mga Pagkontrol ng Magulang gamit ang aming Account Portal.
Paano ka mananatiling ligtas online?
Upang matulungan kang magkaroon ng pinakamahusay na karanasan, narito ang ilang tip kung paano manatiling ligtas online:
Tingnan ang aming Sentro ng Kaligtasan at Seguriad para sa higit pang kapaki-pakinabang na tip kung paano manatiling ligtas online.
Paano ka maaaring makipag-ugnayan sa amin?