PATAKARAN SA PAGKAPRIBADO NG EPIC GAMES
Huling Na-update: Hulyo 18, 2025
Para sa Privacy ng mga Bata, tingnan ang Seksyon 5
Maligayang pagdating sa Epic!
Ang Epic Games, Inc. ay may punong tanggapan sa Cary, North Carolina. Kami at ang aming mga subsidiary ay may mga opisina at operasyon sa iba’t ibang panig ng mundo upang lumikha at maghatid ng ilan sa inyong mga paboritong produkto at serbisyo, kabilang ang mga laro tulad ng Fortnite at mga tool sa pagde-develop tulad ng Unreal Engine (tingnan ang “Aming Pandaigdigang Operasyon” sa ibaba).
Nilalayon ng patakaran sa pagkapribado na ito na ipaliwanag kung paano kami maaaring mangolekta, gumamit, at magbahagi ng impormasyon sa, sa pamamagitan ng, o kaugnay ng mga Serbisyo ng Epic (tingnan ang “Ano ang mga Serbisyo ng Epic?” sa ibaba). Kung mayroon kang mga tanong, maaari mo kaming kontakin gaya ng nakasaad sa seksyong “Kontakin Kami” sa ibaba.
Kapag binanggit namin ang “Epic” (o mga katulad na salitang tulad ng “kami”) sa patakaran sa pagkapribado na ito, tinutukoy namin ang Epic Games entity na may kontrol at pananagutan sa iyong impormasyon, kabilang ang Epic Games, Inc. at mga subsidiary nito na tumutulong sa pagbibigay at suporta sa mga Serbisyo ng Epic. Makikita rin ang mga detalye tungkol sa data controller ng personal na impormasyon na kinokolekta namin sa “Kontakin Kami” sa ibaba.
Ginagamit namin ang terminong “Mga Serbisyo ng Epic” upang tukuyin ang anumang produkto o serbisyo ng Epic na direktang naka-link sa patakaran sa pagkapribado na ito. Kabilang sa mga ito ang, halimbawa:
• mga laro tulad ng Fortnite, Rocket League (sa pamamagitan ng aming subsidiary na Psyonix), Fall Guys (sa pamamagitan ng aming subsidiary na Mediatonic), at Horizon Chase 2 (sa pamamagitan ng aming subsidiary na Aquiris Game Studio LLC);
• mga website, at application gaya ng www.epicgames.com at Epic Games Store, Postparty (sa pamamagitan ng Life on Air), www.rocketleague.com (sa pamamagitan ng Psyonix), at www.fallguys.com (sa pamamagitan ng Mediatonic);
• mga live na kaganapan kung saan naka-post ang patakaran sa pagkapribado na ito; at
• mga tool para sa mga developer, kabilang ang Developer Portal at Unreal Engine.
Pakitandaan na ang paggamit mo ng Mga Serbisyo ng Epic ay maaaring nasasaklawan din ng mga karagdagang tuntunin at kondisyon. Halimbawa, kailangan mong basahin at tanggapin ang Kasunduan sa Lisensya para sa End User ng Fortnite upang makapaglaro ng Fortnite, ang Kasunduan sa Lisensya para sa End User ng Psyonix para makapaglaro ng Rocket League, ang Fall Guys: Ultimate Knockout – Kasunduan sa Lisensya para sa End User para maglaro ng Fall Guys, at ang Kasunduan sa Lisensya para sa End User ng Horizon Chase 2 para maglaro ng Horizon Chase 2.
Mangyaring basahin ang buong patakaran sa pagkapribado na ito. Mahalaga ring maingat mong repasuhin ang iba pang mga kasunduan na kaugnay ng mga Serbisyo ng Epic na ginagamit mo at tiyaking nauunawaan mo at sumasang-ayon ka sa mga ito bago gamitin ang mga naturang produkto o serbisyo.
Ang mga uri ng impormasyong kinokolekta namin ay nakadepende sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa amin. Sa pangkalahatan, nangongolekta kami ng impormasyon sa tatlong pangunahing paraan: A) kapag ibinigay mo ito sa amin, B) awtomatikong kapag ginagamit mo ang Mga Serbisyo ng Epic, at C) mula sa mga service provider at third party.
A. Ang Impormasyong Ibinibigay Mo
Maaaring magbigay ka sa amin ng iba’t ibang uri ng impormasyon depende sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa Mga Serbisyo ng Epic. Minsan hihilingin naming ibigay mo ang ilang partikular na impormasyon, tulad ng kapag kinakailangan ito upang maibigay ang ilang bahagi ng mga serbisyo (halimbawa, kapag hinihiling naming ilagay mo ang iyong petsa ng kapanganakan o kumpletuhin ang online registration). Kung hihilingin namin ang impormasyon at pinili mong hindi ito ibigay, maaaring hindi mo magamit ang ilang serbisyo o hindi gumana ng maayos ang ilang features.
Halimbawa, upang makabili sa Epic Games Store at maglaro ng ilang mga laro, kailangan mo ng account sa Epic. Para makagawa ng account, kailangan mong ibigay ang mga pangunahing detalye tulad ng iyong pangalan, pampublikong pangalan sa display, password, bansa kung saan ka nakatira, at email address. Kung nais mong bumili, maaari naming hingin ang impormasyon sa pagbabayad (tulad ng numero ng credit card at petsa ng expiration). Kadalasan, kailangan din ang petsa ng kapanganakan upang matukoy kung aling features ang pwede naming i-enable para sa iyong account batay sa iyong edad at lokasyon.
Kinokolekta rin namin ang impormasyong boluntaryo mong ibinibigay kapag nag-sign up ka para sa mga email alert, gumagamit ng mga social feature tulad ng forum o chat, nagrerehistro para sa early access sa aming mga laro, gumagamit ng aming mga developer tool (kabilang ang paggawa at pag-publish ng mga laro at iba pang content), nag-e-enable ng Dalawang Hakbang na Pagpapatunay, nagrerehistro o dumadalo sa aming mga kaganapan, nagsasagot ng mga survey, o nakikipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Suporta para sa Player o serbisyo sa customer. Kung gagamitin mo ang aming voice chat at naka-enable ang voice reporting sa isang voice channel, ang mga snippet ng voice chat audio ay ite-take at isi-save sa iyong device at sa mga device ng mga kalahok. Kung may ireport na paglabag sa Community Rules, maaaring ipadala ang mga audio snippet na ito sa Epic upang matulungan kaming ipatupad ang mga Patakaran ng Komunidad. Kung sasali ka sa isang contest o kaganapan ng paligsahan, o makikiisa sa mga programang gaya ng Support-A-Creator o Island Creator, kokolektahin namin ang iyong application details at iba pang impormasyon na kinakailangan upang kumpirmahin ang pagiging kwalipikado at maiproseso ang anumang payouts. Nangongolekta kami ng kahit anong impormasyon na pinipili mong ibigay sa amin sa mga ganitong kaso o katulad na sitwasyon.
B. Ang Impormasyon na Awtomatiko Naming Kinokolekta
Awtomatiko kaming nangongolekta ng ilang impormasyon kapag binisita, in-access, o ginamit mo ang Mga Serbisyo ng Epic. Kabilang dito ang impormasyon tungkol sa gameplay o paggamit ng app, mga binili mo, mga entitlement, at iba pang aktibidad mo sa mga serbisyo na karaniwang nauugnay sa iyong account (kung naka-log in ka sa iyong account sa Epic o gumamit ng third-party account upang i-access ang mga Serbisyo ng Epic) o sa identifier na itinalaga namin sa iyong device o profile. Bagama’t maaaring mag-iba ang mga espesipikong uri ng impormasyon na awtomatikong kinokolekta namin, karaniwan itong kinabibilangan ng:
• Impormasyon sa paggamit at istatistika kung paano ka nakikipag-ugnayan sa Mga Serbisyo ng Epic, gaya ng larong ginamit mo, gaano katagal mo itong nilaro at kailan, bilang ng gameplay attempts, pag-usad at resulta, mga naka-save na preference, crash reports, URL ng mga website naming binisita mo, URL ng pinanggalingan o nilabasan mong pahina, bilang ng page views, tagal ng pananatili sa isang pahina, bilang ng clicks, at uri ng platform;
• Impormasyon ukol sa teknikal na aspeto ng iyong computer, device, hardware, o software na ginagamit upang ma-access ang aming serbisyo, gaya ng IP address, device identifiers, internet service provider, plugins, at iba pang impormasyon ng iyong device (hal. make at model ng device, operating system, browser, at iba pang teknikal na detalye); at
• Pangkalahatang lokasyon ng iyong device, na karaniwan naming tinutukoy mula sa IP address ng iyong device.
Gumagamit ang Mga Serbisyo ng Epic ng mga teknolohiya gaya ng cookies, log files, at web beacons upang awtomatikong mangolekta ng nabanggit na uri ng impormasyon. Maaaring lumikha ang mga teknolohiyang ito ng maliliit na files o record-keeping tools na naka-save sa iyong device. Tumutulong ang mga ito sa amin, sa aming mga service provider, at sa mga third party upang makilala ang iyong device at makuha ang impormasyon kung paano mo ginagamit at kinakausap ang Mga Serbisyo ng Epic. Halimbawa, sinusuportahan nila ang kakayahan naming i-authenticate ang mga user, tandaan ang mga preference, i-manage ang advertising, i-personalize ang karanasan, at magsagawa ng data analytics.
Pakitandaan na kung ang ilang feature ng Mga Serbisyo ng Epic ay ibinibigay ng mga third party, maaaring gumamit rin ang mga ito ng awtomatikong paraan ng koleksyon ng data at irekord ang impormasyon tungkol sa paggamit mo ng Mga Serbisyo ng Epic, ng kanilang serbisyo, o ng mga website ng iba sa paglipas ng panahon. Halimbawa, kung gagamit ka ng Epic Services (tulad ng Unreal Engine) na may kasamang third-party software, maaaring mangolekta ng impormasyon ang mga provider na iyon gamit ang sarili nilang teknolohiya. Nasasaklaw ng kanilang sariling mga patakaran at paunawa sa privacy ang mga feature na ito.
C. Ang Impormasyong Kinokolekta Namin mula sa Iba Pang Mapagkukunan
Sa ilang pagkakataon, maaari rin kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga service provider at third party kaugnay ng paggamit mo ng Mga Serbisyo ng Epic o ng iyong pakikipag-ugnayan sa amin sa ibang platform.
Halimbawa, pinapayagan ng ilang mga developer na gamitin mo ang iyong account sa Epic upang mag-log in sa kanilang serbisyo. At kung pinili mong i-link ang iyong account sa Epic sa iyong account sa isang third-party social media (gaya ng Facebook), gaming platform (gaya ng Steam), o iba pang katulad na website o serbisyo, o kung nakipag-ugnayan ka sa isang ad ng isa sa mga Serbisyo ng Epic sa isang panlabas na website o serbisyo, maaaring ibahagi ng kumpanyang nagpapatakbo ng website o serbisyong iyon ang ilang impormasyon sa Epic alinsunod sa kanilang sariling privacy practices. Karaniwan, ang iyong privacy settings sa website o serbisyo ng ibang kumpanya ang nagtatakda kung anong uri ng impormasyon ang maaaring ibahagi sa Epic, kaya mahalagang i-review at i-update ang mga setting na iyon nang regular. Kadalasang halimbawa ng impormasyon mula sa mga naka-link na account ay kinabibilangan ng iyong pangalan sa display ng account na third-party at user ID, pati na rin ng kaugnay na impormasyon ng device, pangalan, at email address. Para sa mga kalahok sa aming Support-a-Creator program, maaari rin naming kolektahin ang bilang ng followers ng iyong social media account para sa layuning tukuyin ang pagiging kwalipikado sa programa.
Maaari ka ring bumili, mag-download, o mag-access ng ilang Mga Serbisyo ng Epic sa o sa pamamagitan ng mga serbisyong pinapatakbo ng third party. Kapag ginawa mo ito, maaari silang magbigay sa amin ng impormasyon upang mapadali ang iyong access at paggamit sa Mga Serbisyo ng Epic. Karaniwang kabilang dito ang impormasyon tulad ng iyong pangalan sa display, user ID, at impormasyon ng device at rehiyon. Halimbawa, maaari mong piliing i-download at maglaro ng mga game gaya ng Fortnite sa mga gaming console (tulad ng PlayStation®, Microsoft Xbox, at Nintendo Switch) gamit ang iyong gaming console account. Kapag ginawa mo ito, maaaring ibahagi sa amin ng kumpanyang nagpapatakbo ng platform o serbisyo ang ilang impormasyon na tumutulong sa amin na maisagawa ang mga bagay tulad ng pagpapagana ng gameplay mo at pagsubaybay sa iyong progreso at entitlements.
D. Pag-iwas sa Panloloko at Pagpigil sa Pandaraya
Mahalaga sa amin ang pagbibigay ng patas, balanse, at makatarungang karanasan para sa lahat ng gumagamit ng Mga Serbisyo ng Epic. Mahigpit naming ipinapatupad ang pagbabawal laban sa pandaraya, pagha-hack, pagnanakaw ng account, at anumang iba pang hindi awtorisado o mapanlinlang na aktibidad sa Mga Serbisyo ng Epic. Gumagamit kami ng iba't ibang teknolohiya sa anti-cheat at pag-iwas sa pandaraya upang matukoy at mapigilan ang mapanirang gawain. Maaaring mangolekta at magsuri ang mga serbisyong ito ng data tungkol sa iyong computer at sa software na naka-install dito upang matukoy ang pandaraya, at maaaring ibigay ang mga serbisyong ito ng Epic o ng mga service provider.
Sa pangkalahatan, ginagamit namin ang impormasyong kinokolekta namin (maaaring paisa-isa o pinagsama-sama sa iba pang impormasyong nakasaad sa patakarang ito) upang matulungan kaming ibigay, pagbutihin, iakma, suriin, at i-promote ang Mga Serbisyo ng Epic. Kabilang dito ang paggamit ng impormasyon para sa mga layunin gaya ng:
• Paglikha, pag-verify, at pamamahala ng mga user account at features;
• Pagbibigay ng Mga Serbisyo ng Epic, pati na rin ang suporta at tulong para sa mga ito, kabilang na ang pagtugon sa mga inquiry, pagproseso ng mga transaksyon o kahilingan, at pakikipag-ugnayan sa mga user (gaya ng pagpapadala ng mga mensahe at update na may kaugnayan sa serbisyo at account);
• Pagbuo, paghahatid, at pagpapabuti ng Mga Serbisyo ng Epic at iba pang alok, kabilang na ang mga iniaalok kasama ng ibang mga partido;
• Pag-personalize ng iyong karanasan, kabilang ang pagbibigay ng content o features na mas naaangkop sa iyo o sa iyong interes, o ayon sa aming mga palagay tungkol sa iyong interes (halimbawa, kung madalas kang maglaro ng mga larong nasa isang partikular na genre, maaari naming ipalagay na interesado ka sa genre na iyon at magmungkahi ng mga katulad na laro);
• Pagpo-promote ng Mga Serbisyo ng Epic, kabilang ang pamamahala, pag-customize, at pagsukat ng bisa ng aming mga advertisement, promotional offers, surveys, at mga kaganapan;
• Pag-manage ng mga alpha, beta, o early access tests (at pagkolekta ng feedback);
• Pagsasagawa ng data analytics (gaya ng pagsusuri kung paano ginagamit ang Mga Serbisyo ng Epic upang mas maunawaan, mapabuti, at mai-personalize ang mga ito);
• Pagtupad sa aming mga legal o kontraktwal na obligasyon at pagpapatupad ng aming mga tuntunin;
• Pagse-secure ng Mga Serbisyo ng Epic, gaya ng pagtuklas ng pandaraya at pagbibigay-proteksyon sa Epic at sa ibang user laban sa mga ilegal o mapaminsalang kilos; at
• Pagpapabuti ng mga teknolohiya o proseso na ginagamit upang maisakatuparan ang mga layuning ito (halimbawa, pag-train ng mga machine learning models na tumutulong sa pagtukoy o pagmo-moderate ng toxic, ilegal, o mapaminsalang content o asal, at pagpapatupad ng aming mga tuntunin at patakaran gaya ng Patakaran ng Komunidad).
Maaari rin naming iproseso ang impormasyong hindi ka personal na kinikilala, kabilang ang pinagsama-sama o hindi na maikakabit sa pagkakakilanlan na impormasyon na aming nilikha o nakolekta mula sa ibang pinagmulan. Nakakatulong ito upang mas maunawaan namin ang mas malalaking grupo ng mga user. Kung pagsasamahin namin ang impormasyong ito sa impormasyong maaaring makilala ka, ituturing namin ito alinsunod sa patakaran sa pagkapribado na ito. Gayunpaman, tandaan na hindi nililimitahan ng patakaran sa pagkapribado na ito ang aming kakayahang iproseso ang impormasyong hindi ka personal na kinikilala, at maaari naming gamitin o ibahagi ang pinagsama-sama o hindi na maikakabit na impormasyon para sa anumang layuning pinapahintulutan ng batas.
Maaari naming ibahagi ang ilang impormasyong kinokolekta namin upang matulungan kaming patakbuhin at pagbutihin ang Mga Serbisyo ng Epic. Depende sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa amin, kabilang sa mga karaniwang halimbawa ang pagbabahagi:
• Sa mga console at platform partners (halimbawa, upang mapadali ang gameplay kapag na-access mo ang Mga Serbisyo ng Epic sa pamamagitan ng third-party console provider);
• Sa ibang mga game developer (tulad ng para i-enable ang mga feature ng mga larong binili mo sa pamamagitan ng Epic Games Store);
• Sa ibang user (halimbawa, kung gagamit ka ng social features gaya ng chat);
• Nang hayagan sa publiko (halimbawa, maaaring makita ng iba ang iyong pangalan sa display, content na ginawa o ibinahagi mo, basic game statistics, at iba pang katulad na impormasyon);
• Sa mga service provider na kumikilos para sa amin upang suportahan ang Mga Serbisyo ng Epic alinsunod sa aming mga tagubilin (halimbawa, cloud storage providers, payment processors, o marketing at advertising partners);
• Kapag naniniwala kaming kinakailangan ito upang sumunod sa batas o upang protektahan ka, ang Epic, o iba pa (halimbawa, bilang tugon sa court order o subpoena, bilang bahagi ng isang imbestigasyon sa pandaraya o ibang ilegal na aktibidad, o paglabag sa aming mga tuntunin o patakaran, o kung kinakailangan upang protektahan ang iba laban sa kamatayan o seryosong pinsala sa katawan o ari-arian);
• Sa iba pang mga entidad ng Epic (kabilang ang para suportahan ang Mga Serbisyo ng Epic sa pandaigdigang antas);
• Kaugnay ng ilang uri ng corporate transactions (tulad ng sa kaso ng isang restructuring o pagbebenta ng lahat o malaking bahagi ng aming negosyo);
• Gamit ang iyong pahintulot (halimbawa, kung i-link mo ang mga external account sa iyong account sa Epic, o gamitin ang Epic account mo para mag-sign in sa third-party games at services o sumali sa mga kaganapan na cross-promotional); at
• Maaari rin naming ibahagi ang impormasyong hindi ka personal na kinikilala sa mga third party, kabilang ang pinagsama-sama o hindi maikakabit na impormasyon.
Walang numero ng mobile phone na ibinigay sa Epic para sa layuning pangseguridad ang ibabahagi sa third parties o affiliates para sa layunin ng marketing o promosyon.
Sa abot ng aming makakaya, sinisikap naming tiyakin na ang mga third party na pinagsasaluhan namin ng iyong personal na impormasyon ay nagbibigay ng katumbas o halos katulad na proteksyon gaya ng nakasaad sa patakaran ng pagkapribado na ito.
Maaaring may iba’t ibang privacy practices ang mga third party na nakikipag-ugnayan ka sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng Epic, kaya hinihikayat ka naming basahin ang kanilang sariling mga patakaran sa privacy bago magbahagi ng impormasyon sa kanila.
Idinisenyo namin ang Mga Serbisyo ng Epic upang maging angkop sa lahat ng edad sa buong mundo. Nangangahulugan itong kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa edad ng mga user, at ang ilang serbisyo ay nag-aalok ng ibang karanasan batay sa alam naming edad ng user at kung saan sila nakatira. Ang impormasyong nasa ibaba ay para sa mga magulang at tagapag-alaga upang maunawaan ang aming mga patakaran sa privacy kaugnay ng mga bata (edad 13 pababa o ang mas mataas na age of digital consent sa rehiyon ng user).
Kapag tinukoy ng isang user na sila ay isang bata, ilalagay sila sa isang “Pambatang Account” hanggang sa sila ay hindi na itinuturing na bata base sa nabanggit na pamantayan, o hanggang sa magbigay ng karagdagang pahintulot sa privacy ang kanilang magulang o tagapag-alaga at i-enable ang parental controls. Ang mga Pambatang Account ay maaaring maglaro ng mga laro ng Epic gaya ng Fortnite at Fall Guys, ngunit hindi naka-enable ang ilang feature tulad ng voice chat at pagbili gamit ang totoong pera. Ang Epic ay nangongolekta lamang ng limitadong personal na impormasyon mula sa mga Pambatang Account upang mapatakbo ang mga ito, at laging alinsunod sa mga umiiral na batas sa proteksyon ng kabataan:
• Petsa ng kapanganakan at bansa upang matukoy ang edad at maipataw ang tamang settings;
• Email address ng magulang o tagapag-alaga upang magpadala ng paunawa at humingi ng pahintulot para sa karagdagang features (na made-delete kung walang tugon sa loob ng 14 na araw);
• Email address ng user para mag-sign in (na naka-store lamang sa anyong hashed at salted na hindi mababasa); at
• Mga permanenteng identifier tulad ng IP address, gaming platform account IDs, device identifiers, at mga katulad na data na nakolekta gamit ang website tracking technologies upang magbigay at mapanatili ang Mga Serbisyo ng Epic (kabilang ang analytics para sa pagpapabuti ng mga ito), protektahan ang kaligtasan ng mga user, tiyakin ang pagsunod sa batas, at pahintulutan ang in-game personalization tulad ng game advancement at avatar choice.
Kung makikipag-ugnayan ang isang user ng Pambatang Account sa amin na may tanong o kahilingan, ang anumang personal na impormasyong ibibigay ay ide-delete matapos masagot ang inquiry. Kapag external kaming nagbabahagi ng personal na impormasyon mula sa mga Pambatang Account, ito ay upang matulungan kaming maisakatuparan ang mga limitadong layuning ito (tulad ng pagbabahagi sa mga console upang mapatakbo ang iyong laro, o sa aming mga cloud storage provider). Alamin pa ang tungkol sa mga Pambatang Account.
A. Paunawa, Pahintulot, at Mga Kontrol ng Magulang
Kinokolekta namin ang email address ng magulang o tagapag-alaga ng isang batang player upang magpadala ng paunawa na ang bata ay gumawa ng isang Pambatang Account. Binibigyan din ng abisong ito ang magulang ng pagkakataong repasuhin ang aming privacy practices para sa mga hindi Pambatang Account, magbigay ng pahintulot para sa isang hindi Pambatang Account upang ma-enable ang karagdagang features sa kanilang anak, at i-set up ang Parental Controls. Pakitandaan na kailangang makumpleto ng mga magulang/tagapag-alaga ang aming parent verification process upang makapagbigay ng pahintulot sa isang hindi Pambatang Account.
Gumagamit kami ng Kids Web Services (KWS), isang serbisyong iniaalok ng aming subsidiary na Kids Web Services Ltd, para sa pag-verify ng edad ng user at magulang/tagapag-alaga. Tatandaan ng KWS na na-verify mo na ang iyong edad sa susunod na gamitin mo ulit ang iyong email address upang mag-access ng iba pang laro/serbisyo na pinapagana ng teknolohiyang KWS, para hindi mo na kailanganing mag-verify ulit. Parehong may responsibilidad ang Epic at KWS sa pangangasiwa ng ilan sa iyong personal na impormasyon sa kontekstong ito. Alamin pa ang tungkol sa nave-verify na pahintulot ng magulang at KWS sa Patakaran sa Pagkapribado ng KWS.
Kapag nagbigay ng pahintulot ang magulang o tagapag-alaga para sa isang hindi Pambatang Account para sa kanyang anak, awtomatikong nae-enable ang Parental Controls. Maaaring i-access ang Parental Controls gamit ang isang PIN code, at nagbibigay-daan ito sa iyong mabago ang mga pinili sa mga partikular na feature na ginawa sa proseso ng pagpapahintulot, at i-customize pa ang karanasan ng iyong anak. Alamin pa ang tungkol sa Parental Controls.
Kapag pinahintulutan ng magulang ang hindi Pambatang Account para sa anak niya, karaniwang nalalapat dito ang mga kagawian sa pagkapribado na inilalarawan sa iba pang bahagi sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, ngunit maaaring hindi ma-access ng mga batang user ang lahat ng content o feature (dahil sa aming mga default na setting ng privacy, kinakailangan sa edad para sa ilang partikular na serbisyo at feature, at/o Parental Controls na ipinapatupad). Depende sa settings ng parental control at sa edad ng user, maaaring ma-access ng user ang komunikasyon at social features (tulad ng chat), at malayang makipag-ugnayan sa karamihan ng Mga Serbisyo ng Epic (kabilang ang pag-download ng iba pang laro mula sa Epic Games Store). Kapag nag-access ang isang user ng third-party game o app sa pamamagitan ng Epic Games Store, ibinabahagi ang ilang impormasyon ng account sa publisher o developer ng larong iyon upang ma-enable ang transaksyon at mga feature ng produkto. Makikita mo ang developer at publisher sa bawat product listing bago mag-download, o maaari mong i-review ang aming Publisher Index. Para sa karagdagang detalye, pakibasa ang “Ano ang mga Impormasyong Kinokolekta Namin?”, “Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon?”, at “Paano Namin Ibinabahagi ang Impormasyon?” sa itaas. Para sa karagdagang detalye, pakibasa ang “Ano ang mga Impormasyong Kinokolekta Namin?”, “Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon?”, at “Paano Namin Ibinabahagi ang Impormasyon?” sa itaas.
B. Mga Karapatan sa Pagkapribado ng Bata at Magulang
Maaaring gamitin ng mga batang user at ng kanilang mga magulang ang kanilang mga indibidwal na karapatan sa privacy tulad ng inilalarawan sa Seksyon 6 sa ibaba. Sa pamamagitan ng Parental Controls, maaaring baguhin ng mga magulang o tagapag-alaga ang kanilang mga piniling setting sa paggamit ng bata ng ilang partikular na features gaya ng voice chat. Maaari ring repasuhin ng mga magulang o tagapag-alaga ang personal na impormasyon ng bata na hawak ng Epic Games, at i-delete ang account sa Epic ng kanilang anak (na magreresulta sa pagtanggal ng impormasyon at paghinto ng karagdagang koleksyon). Para gamitin ang mga karapatang ito o kung may mga tanong tungkol sa kung paano namin pinangangasiwaan ang personal na impormasyon ng mga bata, pakitingnan ang seksyong “Makipag-ugnayan sa Amin” sa ibaba, o dumiretso sa aming Parent Support Request Form.
Nais naming mabigyan ka ng makabuluhang mga pagpipilian tungkol sa personal na impormasyong kinokolekta namin. Ang mga espesipikong pagpipiliang available sa iyo ay karaniwang nagkakaiba depende sa eksaktong ugnayan namin sa iyo, gaya ng kung aling Mga Serbisyo ng Epic ang ginagamit mo. Kabilang sa mga karaniwang halimbawa ang:
• Maaari mong hilingin na bigyan ka namin ng access sa personal na impormasyong nakolekta namin mula sa iyo, o hilinging itama o burahin ito. Mangyaring magsumite ng kahilingan para i-access, i-update, o i-delete ang personal na impormasyong konektado sa iyong account sa Epic sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin gaya ng inilalarawan sa seksyong “Kontakin Kami” sa ibaba. Tandaan na maaari naming hilingin ang karagdagang impormasyon upang kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan bago kumpletuhin ang iyong kahilingan.
• Kung naaangkop, maaari ka ring magkaroon ng opsyon na i-apela o humiling ng human review ng mga desisyong ginawa sa pamamagitan ng automated na paraan.
• Maaari mong baguhin ang iyong mga kagustuhan sa email marketing anumang oras, tulad ng sa pamamagitan ng opt-out link sa aming mga email, sa pag-update ng settings sa iyong account sa Epic, o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin (tingnan ang “Kontakin Kami” sa ibaba).
• Maaari mong baguhin ang iyong mga privacy settings sa mga website ng ibang partido (gaya ng social networks) o mga platform (tulad ng mga console provider) upang limitahan ang impormasyong maaari nilang ibahagi sa amin.
• Maaari mong baguhin ang settings ng iyong browser o mobile device upang i-block, i-manage, i-delete, o limitahan ang tracking technologies tulad ng cookies. Sa ilang mga kaso, ang pag-block o pag-disable ng cookies ay maaaring magresulta sa hindi maayos na pagtakbo ng Mga Serbisyo ng Epic at maaaring hindi available ang ilang features.
• Kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang at may account sa Epic, maaari mong hilingin na alisin o gawing anonymous ang ilang content na ibinigay mo sa Mga Serbisyo ng Epic. Mangyaring iparating ang iyong kahilingan upang i-delete o i-edit ang content sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Epic gaya ng inilalarawan sa seksyong “Kontakin Kami” sa ibaba.
• Maaaring i-adjust ng mga magulang o tagapag-alaga ang mga setting para sa account sa Epic ng kanilang anak gamit ang Parental Controls.
May ilang panig ng mundo na nagbibigay sa mga indibidwal ng partikular na karapatan sa kanilang personal na impormasyon ayon sa lokal na batas.
Dahil ang partikular na personal na impormasyong pinoproseso namin at ang aming dahilan sa pagproseso ay madalas na magkakaiba depende sa kung paano mo ginagamit ang Mga Serbisyo ng Epic, maaaring magkakaiba rin ang tagal ng pagpapanatili namin sa mga ito. Sa pangkalahatan, iniimbak namin ang personal na impormasyon hangga’t makatuwirang kinakailangan ang mga ito para sa mga layuning inilalarawan sa patakarang ito (tulad ng pagsunod sa aming mga legal na obligasyon, pamamahala ng mga panloob na record, pagpapatupad ng aming mga tuntunin, at paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan), maliban kung kinakailangan o pinahihintulutan ng batas ang mas mahabang panahon ng pagpapanatili.
Madalas na kasama sa mga pangunahing pamantayang isinasaalang-alang namin sa pagtukoy ng mga partikular na panahon ng pagpapanatili ang mga minimum na kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas, mga kaugnay na pamantayan ng industriya, mga uri ng impormasyong pinag-uusapan (gaya ng antas ng pagkasensitibo nito), kaugnayan sa potensyal na paglilitis o mga katulad na pagdinig (tulad ng pagdepensa sa aming mga sarili laban sa mga legal na paghahabol), at kung kinakailangan ang impormasyon upang mapigilan ang panloloko o katulad na pang-aabuso ng Mga Serbisyo ng Epic (kabilang ang pagpapatupad ng mga pagbabawal laban sa pandaraya at iba pang hindi awtorisadong pag-uugali). Halimbawa, kung gumawa ka ng Epic account, karaniwan naming iiimbak ang personal na impormasyong nauugnay sa iyong Epic account hangga’t kinakailangan upang mapanatili ang account mo, maibigay ang Mga Serbisyo ng Epic na hiniling mo, maipatupad ang anumang tuntunin na naaangkop at mapangasiwaan ang paggamit mo ng Mga Serbisyo ng Epic, at mapanatili ang mga wastong record upang maipakita kung paano namin inihahatid sa iyo ang Mga Serbisyo ng Epic.
Upang alamin pa ang tungkol sa paghiling na tanggalin ng Epic ang iyong personal na data, pakitingnan ang “Iyong Mga Pagpipilian at Kontrol” sa itaas.
Pinananatili namin ang naaangkop na mga administratibo, teknikal, at pisikal na hakbang upang maprotektahan ang iyong personal na impormasyon laban sa aksidente, labag sa batas, o hindi awtorisadong pagkasira, pagkawala, pagbabago, pag-access, pagbubunyag, o paggamit, at laban sa iba pang labag sa batas na paraan ng pagproseso. Sa ilang mga kaso, maa-access mo ang iyong impormasyon kapag nag-log in ka sa isang feature na inaalok namin, at sa mga kasong iyon, ikaw ang may pananagutan sa pagpapanatili ng pagiging kumpidensyal at seguridad ng iyong user credentials at password upang maprotektahan ang iyong impormasyon. Kung may malalaman kaming hindi awtorisadong paghahayag ng iyong personal na impormasyon, aabisuhan ka namin alinsunod sa hinihingi ng batas at magsasagawa kami ng mga hakbang upang tumulong sa pag-secure ng iyong impormasyon.
Ina-update namin ang patakarang ito paminsan-minsan upang ipakita ang mga pagbabago sa aming mga proseso o sa mga naaangkop na batas. Kapag ginawa namin ito, babaguhin namin ang petsang nakasaad sa itaas ng patakaran. Sa ilang mga kaso, maaari rin naming ipaalam sa iyo ang mga mahahalagang pagbabago sa pamamagitan ng email o sa loob mismo ng Mga Serbisyo ng Epic. Mangyaring regular na suriin ang patakarang ito upang matiyak na nauunawaan mo ang iyong ugnayan sa Epic at kung paano kami maaaring mangolekta, gumamit, at magbahagi ng impormasyon kaugnay ng Mga Serbisyo ng Epic.
Ang Epic Games, Inc. ay nakabase sa Estados Unidos, ngunit kami ay kumikilos sa buong mundo upang makapaghatid ng mas mahusay na karanasan sa lahat ng gumagamit ng Mga Serbisyo ng Epic saanmang panig ng mundo. Mayroon kaming mga subsidiary, opisina, service provider, at mga partner sa iba’t ibang bansa upang suportahan ang aming operasyon sa maraming paraan — halimbawa, ang developer ng Fall Guys ay isang subsidiary na tinatawag na Mediatonic Limited na nakabase sa United Kingdom. Nangangahulugan itong maaaring iproseso ng Epic ang impormasyong kinokolekta namin kaugnay ng paggamit mo ng Mga Serbisyo ng Epic sa mga lugar na labas sa rehiyon kung saan ka naninirahan.
A. Mga Pagpapadala ng Data
Kapag ginamit mo ang Mga Serbisyo ng Epic, maaaring mailipat ang iyong impormasyon patungo sa, o ma-store sa, Estados Unidos o sa ibang mga bansa kung saan kami o ang aming mga service provider ay kumikilos. Ang mga batas at regulasyon sa proteksyon ng data sa mga bansang ito ay maaaring naiiba sa mga lugar kung saan ka naninirahan. Umaasa kami sa iba’t ibang legal na mekanismo upang legal na maisakatuparan ang paglipat ng impormasyon sa labas ng bansan ng koleksyon nito kung naaangkop. Kung pinapahintulutan sa ilalim ng lokal na batas, sa paggamit mo ng Mga Serbisyo ng Epic, pinahihintulutan mong iproseso ng Epic ang iyong impormasyon sa alinmang lokasyon kung saan kami ay may operasyon (kabilang ang Estados Unidos).
Upang malaman pa ang tungkol sa Epic entity na responsable sa pagpapatakbo ng Mga Serbisyo ng Epic na ginagamit mo, tingnan ang “Makipag-ugnayan sa Amin” sa ibaba.
B. Mga Kumprehensibong Batas sa Pagkapribado ng Estado ng US
Para sa Mga Residente ng California
Ang California Consumer Privacy Act o “CCPA” ay nagbibigay sa mga residente ng California ng ilang partikular na karapatan sa kanilang personal na impormasyon. Ang mga terminong ginagamit sa subsection na ito ay tinukoy ng CCPA.
Kung isa kang residente ng California, may karapatan kang:
• malaman at ma-access kung anong personal na impormasyon ang kinokolekta namin tungkol sa iyo, kabilang ang mga kategorya ng personal na impormasyong kinokolekta at mga pinagkukunan, ang mga layunin sa negosyo o komersyo para sa pagkolekta, ang mga kategorya ng mga third party kung kanino namin inihahayag ang personal na impormasyon, at ang mga partikular na detalye ng personal na impormasyong kinokolekta;
• iwasto ang iyong personal na impormasyon; at
• ipatanggal ang iyong personal na impormasyon.
Tatanggalin namin ang iyong personal na impormasyon, maliban na lang kung kinakailangan ang pagpapanatili nito para sa mga pang-operasyon o legal na dahilan, kabilang ang upang:
• maibigay ang Mga Serbisyo ng Epic na hinihiling mo, makumpleto ang mga transaksyon, o masunod ang aming kontrata sa iyo;
• matiyak ang seguridad o integridad ng Mga Serbisyo ng Epic, o ma-debug ang Mga Serbisyo ng Epic;
• magamit ang mga legal na karapatan para sa kapakanan namin o ng iba;
• mabigyang-daan ang mga internal na paggamit na naaayon sa mga inaasahan ng user; o
• makasunod sa legal na obligasyon.
Maaari din naming limitahan kung paano kami tumutugon sa iyong mga kahilingan, kabilang ang kapag kinakailangan upang:
• mapangasiwaan ang mga legal na paghahabol;
• makasunod sa mga naaangkop na batas o legal na obligasyon; o
• makipagtulungan sa tagapagpatupad ng batas.
Gaya ng mas detalyadong inilalarawan sa seksyong “Anong Impormasyon ang Kinokolekta Namin?” sa itaas, ang partikular na impormasyong kinokolekta namin mula sa iyo ay karaniwang nakadepende sa kung paano mo pinipiling makipag-ugnayan sa amin sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng Epic. Sa nakalipas na 12 buwan, nakolekta namin ang mga sumusunod na kategorya ng personal na impormasyon:
• mga identifier (hal., email address);
• pangkomersyong impormasyon (hal., mga karapatan o history ng pagbili);
• impormasyon sa aktibidad sa network ng internet o iba pang electronic na network (hal., mga detalye ng paggamit sa gameplay o website);
• audio, electronic, visual, o katulad na impormasyon (hal., voice chat);
• data ng geolocation (hal., gaya ng maaaring makuha sa iyong IP address o kasama sa impormasyon ng pagsingil sa iyo);
• mga katangian ng mga pinoprotektahang klasipikasyon sa ilalim ng California o pederal na batas (hal., edad);
• personal na impormasyong inilalarawan sa Seksyon 1798.80(e) ng California Civil Code (hal., pangalan o impormasyon ng credit o debit card);
• sa ilang sitwasyon, sensitibong personal na impormasyon (hal., mga kredensyal sa pag-log in sa account at, kung maglilista, magbebenta, o magte-trade ka ng creative na content sa isa sa aming mga marketplace, ID na bigay ng pamahalaan); at
• mga ipinagpapalagay mula sa alinman sa mga kategorya sa itaas (hal., ang mga genre ng mga laro na maaaring mas gusto mong laruin batay sa iyong history ng pagbili).
Ang Epic ay hindi gumagamit o naghahayag ng sensitibong personal na impormasyon para sa mga layunin na bukod sa kinakailangan upang maibigay ang Mga Serbisyo ng Epic o pinahihintulutan sa ilalim ng CCPA. Ang Epic ay hindi rin nagbebenta o nagbabahagi ng personal na impormasyon na kinokolekta nito. Kabilang dito ang para sa mga user na aktwal naming alam na wala pang 16 na taong gulang.
Para sa higit pang impormasyon sa (1) mga kategorya ng mga pinagkukunan kung saan kinokolekta ang iyong personal na impormasyon, pakitingnan ang seksyong “Anong Impormasyon ang Kinokolekta Namin?” sa itaas; (2) ang mga layunin sa negosyo o komersyo para sa pagkolekta ng iyong personal na impormasyon, kabilang ang sensitibong personal na impormasyon, pakitingnan ang seksyong “Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon?” sa itaas; at (3) ang mga kategorya ng mga third party kung kanino namin inihahayag ang iyong personal na impormasyon, pakitingnan ang seksyong “Paano Namin Ibinabahagi ang Impormasyon?” sa itaas.
Para sa Iba Pang Residente sa Estado ng US
Ang Colorado, Connecticut, Delaware, Iowa, Montana, Nebraska, New Hampshire, New Jersey, Oregon, Texas, Utah, at Virginia ay mayroong bawat isang ipinapatupad na kumprehensibong batas sa pagkapribado, na nagbibigay sa mga residente ng mga estadong iyon ng ilang partikular na karapatan sa kanilang personal na data. Ang mga terminong ginagamit sa subsection na ito ay tinukoy ng naaangkop na batas sa pagkapribado sa iyong tinitirhang estado.
Kung isa kang residente ng mga estadong iyon, may karapatang kang:
• malaman kung pinoproseso namin ang iyong personal na data;
• mag-access at makakuha ng kopya ng iyong personal na data;
• maiwasto ang iyong personal na data (maliban sa mga residente ng Utah at Iowa); at
• magtanggal ng iyong personal na data.
Maaaring malimitahan ng ilang partikular na legal na obligasyon at pangangailangan sa operasyon kung paano kami tumutugon sa iyong mga kahilingan. Maaaring kabilang sa mga pagbubukod na ito ang:
• pagbibigay ng Mga Serbisyo ng Epic na hinihiling mo o pagtupad sa aming mga kontrata;
• pagsasagawa ng pananaliksik upang mabuo o mapahusay ang Mga Serbisyo ng Epic;
• pagtukoy at pag-aayos ng mga teknikal na isyu;
• pagsasagawa ng iba pang internal na operasyong naaayon sa mga inaasahan ng user;
• pag-iwas o pagtugon sa mga insidente sa seguridad, panloloko, pagnanakaw ng pagkakakinlan, o iba pang ilegal o mapaminsalang aktibidad;
• pangangasiwa ng mga legal na paghahabol;
• pagsunod sa mga naaangkop na batas o legal na obligasyon; o
• pakikipagtulungan sa tagapagpatupad ng batas.
Hindi ibinebenta ng Epic ang personal na data na kinokolekta nito o hindi nito pinoproseso ang mga iyon para sa naka-target na pag-advertise. Hindi rin pino-profile ng Epic ang mga user nito sa pamamagitan ng mga naka-automate na paraan upang gumawa ng mga desisyon na may mga legal o katulad na malaking epekto. Kabilang dito ang para sa mga user na aktwal naming alam na wala pang 18 taong gulang.
Para sa higit pang impormasyon sa (1) mga kategorya ng personal na data na pinoproseso namin, pakitingnan ang seksyong “Anong Impormasyon ang Kinokolekta Namin?” sa itaas; (2) pagproseso namin ng sensitibong data mula sa nalalamang bata na walang 13 taong gulang, pakitingnan ang seksyong “Mga Pagkapribado ng Mga Bata” sa itaas; (3) mga layunin namin sa pagproseso ng personal na data, pakitingnan ang seksyong “Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon” sa itaas; at (4) mga kategorya ng mga third party kung kanino namin ibinabahagi ang personal na data at mga kategorya ng personal na data na ibinabahagi namin, pakitingnan ang seksyong “Paano Kami Nagbabahagi ng Impormasyon?” sa itaas.
Paggamit ng Iyong Mga Karapatan sa Pagkapribado
Upang magamit ang iyong mga karapatan sa pagkapribado, gamitin ang isa sa mga pamamaraang nakalista sa seksyong “Makipag-ugnayan sa Amin” sa ibaba. Ikaw lang (o ang isang awtorisadong kinatawan sa ngalan ng isang residente ng California) ang maaaring magsumite ng nave-verify na kahilingan, na may kasama dapat na sapat na impormasyon para makumpirma namin ang iyong pagkakakilanlan at maunawaan namin ang kahilingan. Kung mayroon kang Epic Games account, maaaring hilingin namin sa iyo na mag-log in upang ma-verify ang pagkakakilanlan mo. Ang mga awtorisadong ahente ng mga residente sa California ay dapat magsama ng nakasulat na pahintulot na nilagdaan ng residente, na maaaring kinakailangan ding direktang mag-verify ng kanyang pagkakakilanlan. Maaaring tanggihan ang mga kahilingan kung hindi namin mave-verify ang iyong pagkakakilanlan o awtoridad. Maaaring isumite ang mga apela gamit ang mga parehong paraan sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa seksyong “Makipag-ugnayan sa Amin” sa ibaba.
Hindi ka namin ididiskrimina nang dahil sa paggamit mo ng alinman sa iyong mga karapatan sa pagkapribado sa ilalim ng naaangkop na batas.
C. Mga Residente ng European Economic Area, United Kingdom, at Switzerland
Kung ikaw ay nasa European Economic Area (EEA), United Kingdom (UK), o Switzerland, may ilang karapatan ka tungkol sa kung paano pinoproseso ang iyong personal na data.
Mga Karapatan ng Data Subject
Maaari kang magkaroon ng karapatang i-access, itama, o burahin ang personal na data na nakolekta namin tungkol sa iyo sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng Epic. Maaari ka ring magkaroon ng karapatang humiling ng portable na kopya ng personal na data na ibinigay mo, at tumutol o humiling ng limitasyon sa pagproseso ng iyong personal na data, tulad ng para sa direct marketing. Kung naaangkop, maaari kang humiling ng human review o kuwestyunin ang mga desisyong ginawa sa pamamagitan ng automated means. Kung nagbigay ka ng pahintulot sa amin para iproseso ang iyong data, may karapatan kang bawiin ang pahintulot na iyon anumang oras.
Mayroon ka ring karapatang magsampa ng reklamo laban sa amin sa iyong lokal na awtoridad sa proteksyon ng data (kung mayroon nito sa iyong bansa). Gayunpaman, nais naming mabigyan ka ng pagkakataong idaan muna sa amin ang iyong concern bago ka makipag-ugnayan sa data protection regulator.
Tingnan ang seksyong “Kontakin Kami” sa ibaba upang alamin pa kung paano makipag-ugnayan sa Epic tungkol sa mga ganitong concern. Makakakita ka ng higit pang detalye tungkol sa iyong lokal na Data Protection Authority sa mga sumusunod:
• EEA: European Data Protection Authorities
• UK: Tanggapan ng Information Commissioner
• Switzerland: Federal Data Protection and Information Commissioner
Batayan para sa Pagproseso
Ang mga legal na basehan na ginagamit namin upang iproseso ang iyong personal na data ay nakadepende sa Mga Serbisyong Epic na ginagamit mo at kung paano mo ito kinakausap. Kabilang sa mga pangunahing basehan ang:
• Kontraktwal na Pangangailangan: pinoproseso namin ang personal na data upang magawa ang Mga Serbisyo ng Epic na hinihiling mo sa ilalim ng aming Terms of Service o iba pang katulad na kasunduan sa kontrata sa iyo. Halimbawa, pinoproseso namin ang personal na data upang mai-set up at mapanatili ang iyong account; iproseso ang iyong mga binili; i-authenticate ang mga user; magbigay ng mga feature para sa karanasan ng gumagamit (gaya ng pag-save ng iyong mga preference); subaybayan at suriin ang Mga Serbisyo ng Epic; tukuyin at pigilan ang pandaraya, o iba pang katulad na maling paggamit; i-enable ang mga feature tulad ng cross-progression na nagbibigay-daan sa iyong maglaro sa isang platform at ipagpatuloy ang iyong progreso sa isa pa, na maaaring mangailangan ng pagbabahagi ng iyong impormasyon sa mga third-party partner; at makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa iyong account, mga transaksyon, o iba pang update. Umaasa rin kami sa pagpapatupad ng kontrata upang i-manage ang aming ugnayan sa iyo, kabilang ang pagtugon sa iyong mga support request o pangkalahatang katanungan, at pagbibigay-abiso sa iyo tungkol sa mga pagbabago sa aming mga naaangkop na tuntunin o patakaran.
• Mga Lehitimong Interes: pinoproseso namin ang personal na data na kailangan para sa mga layuning pangnegosyo ng Epic, nang nababalanse ito sa potensyal na epekto sa iyong mga karapatan sa pagkapribado. Kabilang dito ang maraming karaniwang layunin na makatuwiran mong asahan, tulad ng: makipag-ugnayan sa iyo, tumugon sa iyong mga kahilingan, o magbigay sa iyo ng mga update at impormasyon; mas maunawaan ang aming mga user at ang kanilang mga kagustuhan; i-personalize ang iyong karanasan, i-save ang iyong mga preference, i-authenticate ang aming mga user, at magbigay ng katulad na mga feature para sa karanasan ng gumagamit; paunlarin, ihatid, at pagbutihin ang Mga Serbisyo ng Epic at iba pang inaalok na produkto o serbisyo (ang ilan dito ay maaaring inaalok kasama ng mga third party); i-manage at i-customize ang mga advertisement o mga alok na pang-promosyon; i-manage (in-game) ang mga pagbili sa loob ng laro; siguraduhin at protektahan ang Mga Serbisyo ng Epic; suportahan ang auditing, pagsusuri ng data, at iba pang lehitimong operasyon ng negosyo; at pigilan o i-moderate ang mapanlinlang, toxic, mapanganib, o ilegal na nilalaman o asal na lumalabag sa aming mga tuntunin. Upang suportahan ang mga layuning ito sa negosyo, maaari kaming bumuo, magpaunlad, at gumamit ng teknolohiyang machine learning upang matulungan kaming matukoy ang mapanganib, toxic, o mapanlinlang na nilalaman sa aming mga serbisyo. Ang nilalamang natukoy ng mga teknolohiyang ito ay maaaring sumailalim sa pagsusuri ng tao. Kung hindi man, at kung naaangkop, maaari kang magkaroon ng kakayahang humiling ng pagsusuri ng tao para sa mga desisyong ginawa sa pamamagitan ng awtomatikong paraan.
• Mga Legal na Obligasyon: pinoproseso namin ang personal na data kapag kinakailangan upang sumunod sa mga legal na obligasyon, gaya ng pagtugon sa mga lehitimong kahilingan mula sa mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas o iba pang opisyal ng pamahalaan alinsunod sa mga naaangkop na legal na proseso; upang matukoy o ma-moderate ang ilegal na nilalaman o asal sa Mga Serbisyo ng Epic; o upang maproseso ang petsa ng kapanganakan para matiyak ang pagsunod sa mga naaangkop na batas na nagpoprotekta sa kabataan.
• Pahintulot: pinoproseso namin ang personal na data kapag binigyan mo kami ng pahintulot na gawin iyon. Hindi ka obligadong magbigay ng pahintulot kung ayaw mong maproseso ang iyong personal na data para sa mga hinihiling na layunin, at maaari mong bawiin ang iyong pahintulot anumang oras.
Kung mayroon kang mga tanong o concern tungkol sa Mga Serbisyo ng Epic (tulad ng isyu sa laro, problema sa pag-access ng iyong account sa Epic, mga bug o teknikal na suliranin, isyu sa pagbabayad, o problema sa content at entitlements), mangyaring makipag-ugnayan sa aming mga team ng Suporta para sa Player. Maaari mong alamin pa kung paano magsumite ng support request para sa mga produkto at serbisyong mula sa:
• Epic Games (tulad ng Fortnite)
• Psyonix (gaya ng Rocket League)
• Life on Air (Postparty)
• Mediatonic (kabilang ang Fall Guys)
Kung gusto mong malaman pa ang tungkol sa aming mga kagawian sa pagkapribado o sa patakarang ito, o gamitin ang iyong mga karapatan bilang paksa ng data, mag-email sa [email protected], [email protected], o sa naaangkop na impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa ibaba para sa entity na responsable sa pagbibigay ng nauugay na Mga Serbisyo ng Epic sa iyong rehiyon.
Maaari ka ring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng sulat (may nakalagay na “Attn: Legal Department”) sa Epic Games, Inc., na matatagpuan sa 620 Crossroads Blvd., Cary, NC 27518, USA.
Kung nakatira ka sa labas ng United States, pakitingnan ang karagdagang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa ibaba na nauugnay sa mga produkto o serbisyong ginagamit mo:
Kung ginagamit mo ang Epic Games Store:
• Data Controller: Epic Games, Inc.
• Address: 620 Crossroads Blvd., Cary, NC 27518, USA
• Data Protection Officer: [email protected]
• EU/UK Representative: Mishcon de Reya ([email protected])
Kung gumagamit ka ng mga larong mula sa Epic Games, tulad ng Fortnite, na naka-link sa patakaran sa pagkapribado na ito:
• Data Controller: Epic Games Entertainment International GmbH
• Address: Platz 10, 6039 Root D4, Switzerland
• Data Protection Officer: [email protected]
• EU/UK Representative: Mishcon de Reya ([email protected])
Kung gumagamit ka ng iba pang produkto o serbisyo ng Epic Games, tulad ng Unreal Engine, na naka-link sa patakaran sa pagkapribado na ito:
• Data Controller: Epic Games Commerce GmbH
• Address: Platz 10, 6039 Root D4, Switzerland
• Data Protection Officer: [email protected]
• EU/UK Representative: Mishcon de Reya ([email protected])
Kung gumagamit ka ng mga produkto mula sa Mediatonic, tulad ng Fall Guys, na naka-link sa patakaran sa pagkapribado na ito:
• Data Controller: Mediatonic Limited
• Address: Octagon Point, 5 Cheapside, London, EC2V 6AA, United Kingdom
• Contact: [email protected]
• EU/UK Representative: Mishcon de Reya ([email protected])
Kung gumagamit ka ng mga produkto mula sa Psyonix, tulad ng Rocket League, na naka-link sa patakaran sa pagkapribado na ito:
• Data Controller: Psyonix LLC
• Address: 401 A St. #4200, San Diego, CA 92101, USA
• Contact: [email protected]
• EU/UK Representative: Mishcon de Reya ([email protected])
Kung gumagamit ka ng KWS services mula sa Kids Web Services Ltd:
• Data Controller: Kids Web Services Ltd as a joint controller with Epic
• Address: Octagon Point, 5 Cheapside, London, EC2V 6AA, United Kingdom
• Contact: [email protected]
• EU/UK Representative: Mishcon de Reya ([email protected])
Kung gumagamit ka ng mga produkto mula sa Life on Air, tulad ng Postparty, na naka-link sa patakaran sa pagkapribado na ito:
• Data Controller: Life on Air, Inc.
• Address: 620 Crossroads Blvd., Cary, NC 27518, USA
• Contact: [email protected]
• EU/UK Representative: Mishcon de Reya ([email protected])
Kung gumagamit ka ng mga produkto mula sa Aquiris, tulad ng Horizon Chase 2, na naka-link sa patakaran sa privacy na ito:
• Data Controller: Aquiris Games Studio LLC
• Address: c/o IBCPA, 20801 Biscayne Blvd, Ste 403, Office 415, Aventura, Florida, 33180, USA
• Data Protection Officer: [email protected].
• EU/UK Representative: Mishcon de Reya ([email protected])