Huling Na-update: Nobyembre 28, 2025
Welcome sa Epic!
Kung isa kang batang user, mangyaring tingnan ang aming Impormasyon sa Pagkapribado para sa Mga Batang Player.
Kung ikaw ang magulang/tagapag-alaga ng batang user, mangyaring tingnan ang Seksyon 2 (Paano Namin Ipinoproseso ang Impromasyon ng Mga Bata?).
Ang punong tanggapan ng Epic Games, Inc. ay nasa Cary, North Carolina. Kami at ang aming mga subsidiary ay may mga opisina at operasyon sa iba’t ibang panig ng mundo na tumutulong sa paglikha at paghahatid ng ilan sa iyong mga paboritong produkto at serbisyo, kabilang ang mga laro tulad ng Fortnite at mga tool sa pagde-develop tulad ng Unreal Engine.
Inilalarawan ng Patakaran sa Pagkapribado na ito ng Epic Games (ang “Patakaran” na ito) ang iba’t ibang paraan kung paano namin maaaring kolektahin, gamitin, i-secure, panatilihin, ihayag, at iproseso ang impormasyon na maaaring magamit upang matukoy ka sa, sa pamamagitan ng, o kaugnay ng Mga Serbisyo ng Epic (binibigyang-kahulugan sa ibaba).
Mangyaring basahin nang mabuti ang buong Patakarang ito at anupamang kasunduan na nalalapat sa paggamit mo ng Mga Serbisyo ng Epic, at kumpirmahing nauunawaan mo at sumasang-ayon ka sa mga ito bago gamitin ang anumang Serbisyo ng Epic. Kung mayroon kang kahit anong tanong, maaari kang makipag-ugnayan sa amin anumang oras gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa Seksyon 12 (Paano Ka Maaaring Makipag-ugnayan sa Amin?).
Kapag binanggit namin ang “Epic” (o anumang katulad na salita tulad ng “kami,” “namin,” o “amin”) sa Patakarang ito, tinutukoy namin ang entidad na Epic na may kontrol at pananagutan sa iyong impormasyon, tulad ng Epic Games, Inc. at mga subsidiary at affiliate nito na nagbibigay ng Mga Serbisyo ng Epic. Nalalapat ang Patakarang ito kapag nagsisilbing data controller ng iyong impormasyon ang Epic. Makikita mo ang mga detalye tungkol sa data controller na may pananagutan sa iyong impormasyon sa Seksyon 12 (Paano Ka Maaaring Makipag-ugnayan sa Amin?).
Ginagamit namin ang terminong “Mga Serbisyo ng Epic” upang ilarawan ang anumang produkto o serbisyo ng Epic na direktang naka-link sa Patakarang ito, kabilang ang:
Tandaang ang paggamit mo sa Mga Serbisyo ng Epic ay napapailalim din sa mga karagdagang tuntunin at kondisyon. Halimbawa, dapat mong suriin at sang-ayunan ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Epic Games para maglaro ng Fortnite, Rocket League, Fall Guys, at Horizon Chase 2.
Idinisenyo namin ang Mga Serbisyo ng Epic upang maging angkop sa lahat ng user na iba’t iba ang edad sa buong mundo. Nangangahulugan itong kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa edad ng mga user, at magbibigay ang ilang Serbisyo ng Epic ng ibang karanasan batay sa nalalaman namin tungkol sa edad ng isang user at kung saan siya nakatira. Ang impormasyong nasa ibaba ay para maunawaan ng mga magulang/tagapag-alaga ang aming mga kagawian sa pagkapribado kaugnay ng mga bata (edad 13 pababa o ang edad ng digital na pahintulot sa rehiyon ng user, alinman ang mas mataas).
Kapag tinukoy ng isang user na siya ay isang bata, ilalagay siya sa isang “Pambatang Account” hanggang sa hindi na siya itinuturing na bata gaya ng inilalarawan sa itaas o hanggang sa magbigay ng karagdagang pahintulot sa pagkapribado ang kanyang magulang/tagapag-alaga at i-enable niya ang mga pagkontrol ng magulang. Ang mga Pambatang Account ay maaaring maglaro ng mga laro ng Epic (hal., Fortnite, Rocket League, o Fall Guys), ngunit naka-disable ang mga tampok tulad ng voice chat at mga pagbili gamit ng tunay na pera. Ang Epic ay nangongolekta ng limitadong personal na impormasyon mula sa mga Pambatang Account upang mapatakbo ang mga ito, at sinusunod nito ang mga naaangkop na batas sa pagkapribado at proteksyon ng kabataan sa bawat sitwasyong ito:
Kung makikipag-ugnayan sa amin ang isang user na may Pambatang Account para sa isang tanong o kahilingan, tatanggalin ang anumang personal na impormasyong ibibigay matapos masagot ang inquiry. Kapag external naming inihayag ang personal na impormasyon ng aming mga Pambatang Account, tinutulungan kami nitong maisakatuparan ang mga limitadong layuning ito (hal., sa mga console upang makatulong sa pagpapatakbo ng laro, o sa aming mga cloud storage provider). Alamin pa ang tungkol sa mga Pambatang Account.
A. Abiso, Pahintulot, at Mga Pagkontrol ng Magulang
Kinokolekta namin ang email address ng magulang/tagapag-alaga ng isang batang user upang magpadala sa magulang/tagapag-alaga ng abiso sa email na gumawa ang bata ng Pambatang Account. Binibigyang-daan din sila ng abisong ito na suriin ang aming mga kagawian sa pagkapribado para sa mga hindi Pambatang Account, magbigay ng pahintulot sa isang hindi Pambatang Account upang ma-enable ng kanyang anak ang mga karagdagang tampok, at i-set up ang mga pagkontrol ng magulang. Mangyaring tandaang kailangang kumpletuhin ang mga magulang/tagapag-alaga ang aming proseso ng pag-verify ng magulang upang makapagbigay ng pahintulot sa isang hindi Pambatang Account.
Ginagamit namin ang Kids Web Services (“KWS”), isang serbisyong iniaalok ng aming subsidiary na Kids Web Services Ltd, para sa pag-verify ng edad ng magulang/tagapag-alaga at ng user. Alamin pa ang tungkol sa Nave-verify na Pahintulot ng Magulang. Kapag na-verify na ang email address, matutukoy ito ng KWS sa iba pang laro o serbisyong pinapatakbo ng teknolohiya ng KWS, kaya hindi na kailangang i-verify ito ulit. Alamin pa ang tungkol sa KWS.
Kapag nagbigay ng pahintulot ang magulang/tagapag-alaga para sa isang hindi Pambatang Account para sa kanyang anak, awtomatikong nae-enable ang mga pagkontrol ng magulang. Pagkatapos ay maa-access ang mga pagkontrol ng magulang gamit ang PIN code at papayagan ang magulang/tagapag-alaga na suriin at baguhin ang mga setting ng tampok na napili sa daloy ng pahintulot at mas mako-customize niya ang karanasan ng kanyang anak. Alamin pa ang tungkol sa Mga Pagkontrol ng Magulang.
Kapag pinahintulutan ng magulang/tagapag-alaga ang hindi Pambatang Account para sa anak niya, karaniwang nalalapat dito ang mga kagawian sa pagkapribadong inilalarawan sa iba pang bahagi ng Patakarang ito, ngunit maaaring hindi ma-access ng mga mas batang user ang lahat ng content o tampok (dahil sa aming mga default na setting ng pagkapribado, kinakailangan sa edad para sa ilang partikular na serbisyo at tampok, at/o mga pagkontrol ng magulang na ipinapatupad). Halimbawa, depende sa mga setting ng pagkontrol ng magulang at sa edad ng user, magagawa ng mga user na i-access ang mga tampok sa komunikasyon (tulad ng voice at text chat) at makipag-ugnayan sa karamihan ng Mga Serbisyo ng Epic (kabilang ang pag-download ng iba pang laro o app mula sa Epic Games Store). Kapag nag-access ang isang user ng ikatlong-partidong laro o app sa pamamagitan ng Epic Games Store, inihahayag ang ilang impormasyon ng account sa publisher at developer ng laro o app na iyon upang ma-enable ang transaksyon at mga tampok ng produkto. Makikita ang impormasyon ng developer at publisher sa listing ng produkto o sa aming Index. Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa aming mga kagawian sa pagkapribado, mangyaring tingnan ang Seksyon 3 (Anong Impormasyon ang Kinokolekta Namin at Paano Namin Ito Kinokolekta?), 4 (Bakit Namin Ipinoproseso ang Impormasyon?), at 5 (Kanino Namin Inihahayag ang Impormasyon?). Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa paghahayag ng Epic ng personal na impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa Seksyon 12 (Paano Ka Maaaring Makipag-ugnayan sa Amin?).
B. Mga Karapatan sa Pagkapribado ng Bata at Magulang/Tagapag-alaga
Bukod pa sa mga pagkontrol ng magulang na nagbibigay-daan sa mga magulang/tagapag-alaga na baguhin ang mga pagpiling ginawa nila tungkol sa paggamit ng kanyang anak ng mga partikular na tampok tulad ng voice at text chat, magagamit ng mga batang user at ng kanilang mga magulang/tagapag-alaga ang kanilang mga indibidwal na karapatan sa pagkapribado gaya ng inilalarawan sa Seksyon 9 (Anong Mga Pagpili at Kontrol ang Mayroon Ka?). Kabilang sa mga karapatang iyon ang karapatang suriin ang personal na impormasyon ng kanilang anak na pinapanatili ng Epic at tanggalin ang account sa Epic ng kanyang anak (na nagtatanggal ng kanyang personal na impormasyon at nagpapahinto sa patuloy na pagkolekta). Para gamitin ang mga karapatang iyon o magtanong ng kahit ano tungkol sa kung paano namin pinapangasiwaan ang personal na impormasyon ng mga bata, mangyaring gamitin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa Seksyon 12 (Paano Ka Maaaring Makipag-ugnayan sa Amin?) o dumiretso sa aming Form ng Paghiling ng Suporta ng Magulang.
Ang mga uri ng impormasyong kinokolekta namin ay nakadepende sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa Mga Serbisyo ng Epic. Sa pangkalahatan, nangongolekta kami ng impormasyon sa tatlong paraan: A) kapag ibinigay mo ito sa amin, B) awtomatiko kapag ginamit mo ang Mga Serbisyo ng Epic, at C) mula sa mga ikatlong-partido.
Idinisenyo ang Patakarang ito upang tulungan kang maunawaan kung paano namin pinapangasiwaan ang impormasyon na maaaring magamit upang matukoy ka. Sa ilang sitwasyon, maaari din kaming gumawa o mangolekta ng impormasyong hindi partikular na tumutukoy sa iyo, tulad ng impormasyong inalisan ng pagkakakilanlan o pinagsama-samang impormasyon. Kung pagsasamahin namin ang ganitong uri ng impormasyon at ang impormasyong tumutukoy sa iyo, ituturing namin ang pinagsamang impormasyon bilang impormasyong magagamit upang matukoy ka alinsunod sa Patakarang ito.
A. Ang Impormasyong Ibinibigay Mo
Maaaring kang magbigay sa amin ng iba’t ibang uri ng impormasyon depende sa kung paano mo ginagamit ang Mga Serbisyo ng Epic. Sa ilang sitwasyon, hihiling kami sa iyo ng partikular na impormasyon dahil kailangan namin ito para sa Mga Serbisyo ng Epic o sa mga kaukulang tampok ng mga ito. Kung pipiliin mong hindi ibigay ang hinihiling na impormasyon, maaaring hindi mo ma-access ang Mga Serbisyo ng Epic na iyon o maaaring hindi gumana nang maayos ang mga tampok. Halimbawa:
B. Ang Impormasyon na Awtomatiko Naming Kinokolekta
Awtomatiko kaming nangongolekta ng ilang impormasyon kapag binisita, in-access, o ginamit mo ang Mga Serbisyo ng Epic. Kabilang dito ang impormasyon tulad ng iyong gameplay o paggamit ng application na karaniwang nauugnay sa iyong account sa Epic account, iyong ikatlong-partidong account (kung ina-access mo ang Mga Serbisyo ng Epic sa pamamagitan nito), o isang identifier na itinalaga namin sa iyong device o profile. Bagama’t maaaring iba't iba ang mga partikular na uri ng impormasyon na awtomatikong kinokolekta namin, karaniwan itong kinabibilangan ng:
Gumagamit ang Mga Serbisyo ng Epic ng mga teknolohiya gaya ng cookies, log files, at web beacons upang awtomatikong mangolekta ng mga nabanggit na uri ng impormasyon. Maaaring lumikha ang ilan sa mga teknolohiyang ito ng maliliit na file o mga tool para sa pagpapanatili ng tala na naka-store sa iyong device. Tinutulungan kami ng mga teknolohiyang ito na matukoy ang iyong device at mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong mga pakikipag-ugnayan sa Mga Serbisyo ng Epic, at ginagamit namin ang impormasyong iyon upang, halimbawa, maibigay at mapatakbo ang Mga Serbisyo ng Epic (hal., i-authenticate ka at i-save ang mga kagustuhan); masubaybayan ang Mga Serbisyo ng Epic (hal., tumuklas at mag-ulat ng mga pag-crash); maunawaan at mapahusay ang Mga Serbisyo ng Epic (hal., magsagawa ng data analytics); ma-personalize ang Mga Serbisyo ng Epic (hal., magpakita ng mga lokal na currency); at ma-promote ang Mga Serbisyo ng Epic (hal., pamahalaan ang pag-advertise).
Kapag ang mga tampok ng Mga Serbisyo ng Epic ay ibinibigay ng mga ikatlong-partido, maaaring gumamit rin ang mga ikatlong-partidong iyon ng mga teknolohiya sa awtomatikong pagkolekta ng data at mangolekta ng impormasyon tungkol sa paggamit mo ng Mga Serbisyo ng Epic, ng mga serbisyo nito, o ng mga website ng iba sa paglipas ng panahon. Halimbawa, kapag gumamit ka ng Mga Serbisyo ng Epic (hal., Unreal Engine) na may ikatlong-partidong software, maaaring kolektahin ng mga ikatlong-partidong iyon ang iyong impormasyon sa pamamagitan ng kanilang mga teknolohiya. Ang mga tampok na ibinibigay ng mga ikatlong-partido ay napapailalim sa kanilang mga naaangkop na paunawa at patakaran sa pagkapribado.
C. Ang Impormasyon na Natatanggap Namin mula sa Iba
Sa ilang pagkakataon, maaari kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga ikatlong-partido kaugnay ng paggamit mo ng Mga Serbisyo ng Epic o ng iyong pakikipag-ugnayan sa amin sa o gamit ang mga ikatlong-partidong platform, website, o serbisyo. Halimbawa:
Kadalasang kinokontrol ng iyong mga setting sa pagkapribado sa mga ikatlong-partidong platform, website, at serbisyo kung anong impormasyon ang inihahayag ng mga ito sa Epic, kaya hinihikayat ka naming regular na suriin at i-update ang mga setting na iyon. Bagama’t sinusunod namin ang Patakarang ito kapag gumagamit ng impormasyong ibinigay ng mga ikatlong-partido, hindi namin kontrolado kung paano kinokolekta o ginagamit ng mga ikatlong-partido ang iyong impormasyon. Para sa higit pang detalye, mangyaring sumangguni sa kanilang mga paunawa at patakaran sa pagkapribado.
Ipinoproseso namin ang impormasyong kinokolekta namin nang paisa-isa o nang may kasamang ibang impormasyon gaya ng inilarawan sa Patakarang ito, para sa mga layuning ibinalangkas sa ibaba. Kung ikaw ay nasa European Economic Area, United Kingdom, o Switzerland, ang mga nauugnay na legal na basehan ay tinukoy sa mga parenthesis sa ibaba. Para sa higit pang impormasyon sa mga legal na basehan, mangyaring tingnan ang Seksyon 11 (Karagdagang Abiso para sa Mga Indibidwal na Nasa European Economic Area, United Kingdom, o Switzerland).
Maaari din naming iproseso ang iyong impormasyon para sa mga karagdagang layunin sa hinaharap, na tumutugma sa mga inilalarawan sa itaas, at maaari naming ipaliwanag sa iyo ang layunin sa panahon ng pagkolekta. Bukod pa rito, maaari naming gamitin ang impormasyong hindi partikular na tumutukoy sa iyo, tulad ng impormasyong inalisan ng pagkakakilanlan o pinagsama-samang impormasyon, para sa mga layunin sa negosyo, pagpapatakbo, o iba pang layuning pinapahintulutan sa ilalim ng naaangkop na batas.
Maaari naming ihayag ang ilan sa iyong impormasyon sa aming mga subsidiary at affiliate, aming mga service provider, at mga ikatlong-partido para sa mga layuning itinakda sa itaas.
Kapag naghayag kami ng impormasyon sa aming mga service provider, sinisikap naming tiyaking nagbibigay ang mga service provider na ito ng mga proteksyong kapareho ng, o halos katulad ng, mga inilarawan sa Patakarang ito (hal., sa pamamagitan ng paglilimita sa paggamit ng iyong impormasyon sa mga serbisyong ibibigay). Kabilang sa aming mga service provider ang:
Depende sa Mga Serbisyo ng Epic na ginagamit mo at kung paano ka nakikipag-ugnayan sa mga ito, kabilang sa mga ikatlong-partido ang:
Hindi ibabahagi sa mga ikatlong-partido o affiliate para sa mga layunin ng marketing o promosyon ang kahit anong numero ng mobile phone na ibinigay sa Epic para sa layuning panseguridad.
Ang Epic Games, Inc. ay nakabase sa Estados Unidos, ngunit kami ay nagpapatakbo ng negosyo sa buong mundo upang tumulong sa pagbibigay ng mas magandang karanasan sa Mga Serbisyo ng Epic sa mga user sa buong mundo. Ibig sabihin nito, maaaring iproseso, i-store, at ilipat ng Epic ang iyong impormasyon sa labas ng bansa kung saan ka naninirahan.
Ang mga batas sa proteksyon ng data sa mga bansang ito ay maaaring naiiba sa mga batas sa proteksyon ng data kung saan ka naninirahan. Kapag inilipat namin ang iyong impormasyon sa labas ng bansa kung saan ito nakolekta, umaasa kami sa mga naaangkop na legal na mekanismo upang suportahan ang paglilipat at ipatupad ang mga teknikal, pang-organisasyon, at pisikal na pag-iingat upang ma-secure ang iyong impormasyon. Kabilang sa mga sukatang ito ang mga model contractual clause (tulad ng Mga Standard Contractual Clause ng European Commission) at, kung nalalapat, mga adequacy decision ng mga awtoridad sa regulasyon.
Kapag pinapahintulutan ng batas, pinapahintulutan kami ng iyong pagggamit ng Mga Serbisyo ng Epic na iproseso ang iyong impormasyon saanmang bansa kung saan kami nagpapatakbo, kabilang sa Estados Unidos. Upang malaman pa ang tungkol sa lokasyon ng entidad ng Epic na responsable sa pagpapatakbo ng Mga Serbisyo ng Epic na ginagamit mo, mangyaring tingnan ang Seksyon 12 (Paano Ka Maaaring Makipag-ugnayan sa Amin?).
A. Pagpapanatili
Dahil ang partikular na impormasyong ipinoproseso namin at ang aming dahilan sa pagpoproseso ay madalas na nag-iiba-iba depende sa kung paano mo ginagamit ang Mga Serbisyo ng Epic, maaaring mag-iba-iba rin ang tagal ng pagpapanatili namin sa impormasyon mo. Karaniwan naming pinapanatili ang impormasyon hangga’t makatuwiran namin itong kinakailangan para sa mga layuning inilalarawan sa Seksyon 4 (Bakit Namin Ipinoproseso ang Impormasyon?), maliban kung kinakailangan o pinapahintulutan ng batas ang mas mahabang panahon ng pagpapanatili. Halimbawa, kung gagawa ka ng account sa Epic, karaniwan naming papanatilihin ang impormasyong nauugnay sa iyong account sa Epic (hal., pangalan, display na pangalang nakikita ng publiko, password, bansa, at email address) hangga’t kinakailangan ito upang panatilihin ang account mo, ibigay ang Mga Serbisyo ng Epic na hiniling mo, ipatupad ang anumang tuntunin at patakarang nalalapat at nangangasiwa sa paggamit mo ng Mga Serbisyo ng Epic, at itala kung paano namin inihahatid sa iyo ang Mga Serbisyo ng Epic.
Ang mga pangunahing pamantayang isinasaalang-alang namin sa pagtukoy ng mga partikular na panahon ng pagpapanatili ay kadalasang may mga minimum na kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas, nauugnay na pamantayan sa industriya, uri ng impormasyong pinag-uusapan (hal., ang antas ng pagiging sensitibo nito), layunin kung para saan namin ipinoproseso ang impormasyon (hal., pagsunod sa aming mga legal na obligasyon, pamamahala sa mga internal na tala, pagpapatupad ng aming mga tuntunin at patakaran, at pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan), kung makakamit man namin ang mga layuning iyon sa pamamagitan ng iba pang paraan, ang potensyal na panganib ng pinsala mula sa hindi awtorisadong paggamit o paghayag ng impormasyon, ang kaugnayan ng impormasyon sa potensyal na paglilitis o mga katulad na proseso (hal., pagtatanggol sa aming sarili laban sa mga legal na paghahabol), at kung kinakailangan ang impormasyon upang iwasan ang panloloko o katulad na pag-abuso sa Mga Serbisyo ng Epic (hal., pagpapatupad ng mga pagbabawal sa pandaraya at iba pang hindi awtorisadong pag-uugali).
Maaari mong hilingin na tanggalin ng Epic ang iyong impormasyon. Mangyaring tingnan ang Seksyon 9 (Anong Mga Pagpili at Kontrol ang Mayroon Ka?), 10 (Karagdagang Abiso Para sa Mga Residente ng Ilang Partikular na Estado ng US), at 11 (Karagdagang Abiso para sa Mga Indibidwal na Nasa European Economic Area, United Kingdom, o Switzerland) para sa higit pang impormasyon sa paghiling ng pagtanggal ng iyong impormasyon.
B. Seguridad
Pinapanatili namin ang mga naaangkop na pang-administratibo, teknikal, kontrakwal, at pisikal na pag-iingat upang i-secure ang iyong impormasyon mula sa hindi sinasadya, ilegal, o hindi awtorisadong pagkasira, pagkawala, pagbabago, pag-access, paghahayag, paggamit, o iba pang ilegal na paraan ng pagpoproseso. Sa ilang sitwasyon, maaaring naa-access ang iyong impormasyon kapag ginamit mo ang Mga Serbisyo ng Epic. Upang makatulong na panatilihing secure ang iyong impormasyon, dapat mong panatilihin ang pagiging kumpidensyal ng iyong impormasyon sa pag-log in. Kung nalaman namin ang hindi awtorisadong paghahayag ng iyong impormasyon, aabisuhan ka namin gaya ng iniaatas ng batas at magsasagawa kami ng mga naaangkop na hakbang upang tumulong sa pag-secure ng iyong impormasyon.
Oo, ia-update namin ang Patakarang ito paminsan-minsan upang ipakita ang mga pagbabago sa aming mga kagawian at nauugnay na batas. Kapag ginawa namin ito, babaguhin namin ang petsang nakasaad sa itaas ng Patakarang ito. Sa ilang sitwasyon, maaari ka rin naming abisuhan tungkol sa mga pagbabago sa email o sa mga naaangkop na Serbisyo ng Epic. Mangyaring regular na suriin ang Patakarang ito upang matiyak na nauunawaan mo ang kaugnayan mo sa Epic, at ang mga paraan kung paano namin kinokolekta, ginagamit, sine-secure, pinapanatili, ipinapahayag, at ipinoproseso ang iyong impormasyon na magagamit upang matukoy ka sa, sa pamamagitan ng, o kaugnay ng Mga Serbisyo ng Epic.
Hinahangad naming mabigyan ka ng mga makabuluhang pagpipilian tungkol sa impormasyong kinokolekta namin. Ang mga partikular na pagpipiliang available sa iyo ay karaniwang nag-iiba-iba depende sa eksaktong ugnayan namin sa iyo, gaya kung aling Mga Serbisyo ng Epic ang ginagamit mo. Kabilang sa mga karaniwang halimbawa ang:
Upang magsumite ng kahilingan, makipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa Seksyon 12 (Paano Ka Maaaring Makipag-ugnayan sa Amin?). Maaari kaming humiling ng karagdagang impormasyon upang i-verify ang iyong pagkakakilanlan bago kumpletuhin ang iyong kahilingan.
Sa ilang panig ng mundo, binibigyan ang mga indibidwal ng mga partikular na pagpipiliang nauugnay sa kanilang impormasyon ayon sa karapatan sa ilalim ng naaangkop na batas. Mangyaring tingnan ang Seksyon 10 (Karagdagang Abiso Para sa Mga Residente ng Ilang Partikular na Estado ng US) at 11 (Karagdagang Abiso para sa Mga Indibidwal na Nasa European Economic Area, United Kingdom, o Switzerland) para sa higit pang impormasyon.
A. Para sa Mga Residente ng California
Iniaatas ng California Consumer Privacy Act (CCPA) na bigyan namin ang mga residente ng California ng impormasyon tungkol sa kanilang personal na impormasyon sa ibang format. Ang mga terminong ginagamit sa subsection na ito ay tinukoy ng CCPA.
Kung isa kang residente ng California, may karapatan kang:
Tatanggalin namin ang iyong personal na impormasyon, maliban na lang kung kinakailangan ang pagpapanatili nito para sa mga pang-operasyon o legal na dahilan, kabilang ang upang:
Maaari din naming limitahan kung paano kami tumutugon sa iyong mga kahilingan, kabilang ang kapag kinakailangan upang:
Gaya ng mas detalyadong inilalarawan sa Seksyon 3 (Anong Impormasyon ang Kinokolekta Namin at Paano Namin Ito Kinokolekta?), ang partikular na impormasyong kinokolekta namin mula sa iyo ay kadalasang nakadepende sa kung paano mo pinipiling makipag-ugnayan sa amin sa Mga Serbisyo ng Epic. Sa nakalipas na 12 buwan, nakolekta namin ang mga sumusunod na kategorya ng personal na impormasyon:
Ang Epic ay hindi gumagamit o naghahayag ng sensitibong personal na impormasyon para sa mga layunin na bukod sa kinakailangan upang maibigay ang Mga Serbisyo ng Epic o pinahihintulutan sa ilalim ng CCPA. Ang Epic ay hindi rin nagbebenta o nagbabahagi ng personal na impormasyon na kinokolekta nito. Kabilang dito ang para sa mga user na aktwal naming alam na wala pang 16 na taong gulang.
Para sa higit pang impormasyon sa (1) mga kategorya ng mga source kung saan kinokolekta ang iyong personal na impormasyon, mangyaring tingnan ang Seksyon 3 (Anong Impormasyon ang Kinokolekta Namin at Paano Namin Ito Kinokolekta?); (2) mga layunin sa negosyo o komersyo para sa pangongolekta ng iyong personal na impormasyon, kabilang ang mga sensitibong personal na impormasyon, mangyaring tingnan ang Seksyon 4 (Bakit Namin Ipinoproseso ang Impormasyon?); at (3) mga kategorya ng mga ikatlong-partido kung kanino namin inihahayag ang iyong personal na impormasyon, mangyaring tingnan ang Seksyon 5 (Kanino Namin Inihahayag ang Impormasyon?).
B. Para sa Iba Pang Residente sa Estado ng US
Ang Colorado, Connecticut, Delaware, Iowa, Maryland, Minnesota, Montana, Nebraska, New Hampshire, New Jersey, Oregon, Tennessee, Texas, Utah, at Virginia ay nagpatupad ng komprehensibong batas sa pagkapribado, na nag-aatas sa amin na magbigay sa mga residente ng mga estadong iyon ng impormasyon tungkol sa kanilang personal na data sa ibang format. Ang mga terminong ginagamit sa subsection na ito ay tinukoy ng naaangkop na batas sa pagkapribado sa iyong tinitirhang estado.
Kung isa kang residente ng mga estadong iyon, may karapatang kang:
Maaaring malimitahan ng ilang partikular na legal na obligasyon at pangangailangan sa operasyon kung paano kami tumutugon sa iyong mga kahilingan. Maaaring kabilang sa mga pagbubukod na ito ang:
Hindi ibinebenta ng Epic ang personal na data na kinokolekta nito o hindi nito ipinoproseso ang mga iyon para sa naka-target na pag-advertise. Hindi rin ipino-profile ng Epic ang mga user nito sa pamamagitan ng mga naka-automate na paraan upang gumawa ng mga desisyon na may mga legal o katulad na malaking epekto. Kabilang dito ang para sa mga user na aktwal naming natukoy na wala pang 18 taong gulang.
Para sa higit pang impormasyon sa (1) aming pagpoproseso ng sensitibong data mula sa natukoy na batang wala pang 13 taong gulang, mangyaring tingnan ang Seksyon 2 (Paano Namin Ipinoproseso ang Impormasyon ng Mga Bata?); (2) mga kategorya ng personal na data na ipinoproseso namin, mangyaring tingnan ang Seksyon 3 (Anong Impormasyon ang Kinokolekta Namin at Paano?); (3) aming mga layunin sa pagpoproseso ng personal na data, mangyaring tingnan ang Seksyon 4 (Bakit Namin Ipinoproseso ang Impormasyon?); at (4) mga kategorya ng mga ikatlong-partido kung kanino namin inihahayag ang personal na data at mga kategorya ng personal data na inihayag namin, mangyaring tingnan ang Seksyon 5 (Kanino Namin Inihahayag ang Impormasyon?).
C. Paggamit ng Iyong Mga Karapatan sa Pagkapribado
Upang magamit ang iyong mga karapatan sa pagkapribado, makipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa Seksyon 12 (Paano Ka Maaaring Makipag-ugnayan sa Amin?). Ikaw lang (o ang isang awtorisadong kinatawan sa ngalan ng isang residente ng California) ang maaaring magsumite ng nave-verify na kahilingan, na may kasama dapat na sapat na impormasyon para makumpirma namin ang iyong pagkakakilanlan at maunawaan namin ang kahilingan. Kung mayroon kang account sa Epic, maaari naming hilingin sa iyo na mag-log in upang ma-verify ang pagkakakilanlan mo. Ang mga awtorisadong ahente ng mga residente sa California ay dapat magsama ng nakasulat na pahintulot na nilagdaan ng residente, na maaaring kinakailangan ding direktang mag-verify ng kanyang pagkakakilanlan. Maaaring tanggihan ang mga kahilingan kung hindi namin mave-verify ang iyong pagkakakilanlan o awtoridad. Maaaring isumite ang mga apela gamit ang parehong impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa Seksyon 12 (Paano Ka Maaaring Makipag-ugnayan sa Amin?)
Hindi ka namin ididiskrimina nang dahil sa paggamit mo ng alinman sa iyong mga karapatan sa pagkapribado sa ilalim ng naaangkop na batas.
Ang General Data Protection Regulation (GDPR), kasama ng mga katulad na batas sa United Kingdom (UK) at Switzerland, ay nag-aatas sa amin na magbigay sa mga indibidwal na nasa European Economic Area (EEA), UK, o Switzerland ng impormasyon tungkol sa kanilang personal na data sa ibang format. Ang mga terminong ginagamit sa seksyong ito ay tinukoy ng GDPR.
Kung ikaw ay nasa EEA, UK, o Switzerland, may karapatan kang:
Maaari kaming humingi ng karagdagang impormasyon upang ma-verify ang iyong pagkakakilanlan bago tuparin ang kahilingan sa mga karapatan. Maaari din naming limitahan ang aming tugon sa ilang partikular na sitwasyon, pati na kapag:
Mayroon ka ring karapatang gumawa ng reklamo sa iyong lokal na awtoridad sa pangangasiwa sa proteksyon ng data (mangyaring tingnan ang mga link sa ibaba) o direktang makipag-ugnayan sa amin para sa anumang reklamo (mangyaring tingnan ang Seksyon 12 (Paano Ka Maaaring Makipag-ugnayan sa Amin?)). Ikinalulugod naming mabigyan ng pagkakataong tugunan muna ang iyong mga isyu.
Ang mga legal na basehan na ginagamit namin upang iproseso ang iyong personal na data ay nakadepende sa Mga Serbisyo ng Epic na ginagamit mo at kung paano ka nakikipag-ugnayan sa mga ito. Ang mga legal na basehang ito ay:
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano nalalapat ang mga legal na basehang ito sa iba’t ibang layunin ng pagpoproseso, mangyaring tingnan ang Seksyon 4 (Bakit Namin Ipinoproseso ang Impormasyon?).
A. Mga Kahilingan sa Suporta
Kung mayroon kang mga tanong o alalahanin tungkol sa Mga Serbisyo ng Epic (hal., mga isyu kaugnay ng isang laro, pag-access sa iyong account sa Epic, mga bug, mga pagbabayad, content, o mga entitlement), makipag-ugnayan sa nauugnay na channel ng suporta sa pamamagitan ng mga link na ibinigay sa ibaba.
• Fortnite
• Rocket League
• Fall Guys
• Epic Games Store
• Fab
• Unreal Engine
B. Mga Kahilingan sa Pagkapribado
Kung gusto mong malaman pa ang tungkol sa aming mga kagawian sa pagkapribado o sa Patakarang ito, o gusto mong gamitin ang iyong mga karapatan bilang data subject, mangyaring magpadala ng email sa [email protected] o [email protected]. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email o postal mail (na minarkahang “Attn: Legal Department”) gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa ibaba para sa entidad na responsable sa pagbibigay ng mga naaangkop na Serbisyo ng Epic.
• Fortnite: Epic Games, Inc. (para sa mga residente ng US) o Epic Games Entertainment International GmbH (para sa mga hindi residente ng US)
• Rocket League: Psyonix LLC
• Fall Guys: Epic Games, Inc.
• Horizon Chase 2: Aquiris Game Studio LLC
• Rock Band: Harmonix Music Systems, Inc.
• Epic Games Store at Fab: Epic Games, Inc. (para sa mga residente ng US) o Epic Games Commerce GmbH (para sa mga hindi residente ng US)
• Unreal Engine at MetaHuman: Epic Games, Inc. (para sa mga residente ng US) o Epic Games Commerce GmbH (para sa mga hindi residente ng US)
• Unreal Editor Para sa Fortnite: Epic Games, Inc. (para sa mga residente ng US) o Epic Games Entertainment International GmbH (para sa mga hindi residente ng US)
• Postparty: Life on Air Inc.
• Ang aming mga website at mga kaukulang subdomain ng mga ito na naka-link sa Patakarang ito: Epic Games, Inc.
• Iba pang Serbisyo ng Epic: Mangyaring tingnan ang mga nauugnay na tuntunin at kundisyon para sa entidad sa paglilisensiyang nakalista sa iyong rehiyon
Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan
Aquiris Game Studio LLC
Epic Games Commerce GmbH
Epic Games Entertainment International GmbH
Epic Games, Inc.
Harmonix Music Systems, Inc.
Life on Air Inc.
Psyonix LLC